Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 202 NG 280

BAKIT SUSUSNOD SA DIYOS?

Nakakita ka na ba ng batang pinilit na humingi ng tawad o magsabi ng "salamat"? Ang naninigas nilang tindig at walang-buhay na tinig ang nagpapakilala ng totoo nilang motibo. Paminsan ang pagsunod natin sa Diyos ay ganoon din. Makakatulong na tanungin sa sarili ang, "Bakit ako nagsisilbi sa Panginoon?" Ito ba ay para lumakas ako sa Kanya, magtamo ng mga pagpapala, magpakita sa iba ng aking "pagiging makadiyos", o iwasan ang Kanyang galit? O dahil ba ipinag-uutos Niyang gawin ko ito?

Habang kinakabog tayo ng mag kahilingan ng buhay sa mundo, nawawala sa paningin natin ang eternal na perspektibo. Umpisahan ang iyong araw sa pagkilala ng kung sino Siya at ng mga ginawa Niya. Ito ay tutulong sa iyong sumunod sa Kanya hindi sa mala-robot na paggawa ng katungkulan, kundi sa nag-uumapaw na pasasalamat mula sa iyong puso. Hindi ba't naibigay na Niya sa iyo ang pinakadakilang regalo sa lahat: si Jesu-Cristo? Ang regalong ito ay ipinagkaloob sa iyo matagal na bago ka pa man makapagsilbi sa Kanya sa kahit na anong paraan.

Sundin ang Diyos dahil mahal mo Siya nang higit sa lahat ng bagay.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com