Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 205 NG 280

ANG PINAGMUMULAN NG ATING PAG-ASA

Habang nakakatagpo natin ang mga hamon ng pang-araw-araw na buhay, madalas tayong umaasa sa posibilidad na mababago ang mga kaganapan o mababago ang mga tao. Sa gitna ng mga pagsubok, maaari nating isipin ang, "Magiging masaya ako kung ang aking asawa ay magbabago", "Kung magkakaroon sana ako ng mas maraming pera", o kaya naman ay "Magkakaroon na ako ng kapayapaan kapag lumaki na ang aking mga anak at huminto na sila sa pagrerebelde." Ang problema sa ganitong pag-iisip ay nagkakaroon ng kondisyon ang ating kasiyahan at nagiging batay sa mga bagay na wala sa ating kontrol. Labis tayong natutuon sa pagkakaroon ng kaginhawahan dito sa mundo at nabibigong makamit ang mas dakilang layunin ng Diyos para sa ating buhay!

Sa pagpapala man o mga pagsubok, sa kasaganaan o kahirapan, ang bukal ng ating pag-asa ay hindi bumabago sa ating pag-asang makakabahagi ang Kanyang kaluwalhatian. Samantala, maaari nating piliing makita ang ating mga pagsubok dito sa mundo bilang mga kasangkapan upang maging mas kawangis tayo ni Cristo at maitaguyod tayo tungo sa mas malawak na pagtitiwala sa ating Ama sa Langit.

Ilagay ang inyong pag-asa sa tanging lugar na matatagpuan ito, sa Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com