Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 207 NG 280

PAG-ASA SA BIGUANG MUNDO

Ang kuwento ni Noe ay nagbibigay ng isang dakilang halimbawa ng pagpapakita ng Diyos ng parehong katotohanan at pagmamahal Niya. Namumuhi ang Diyos sa kasalanan, at dahil sa laganap na kasamaan sa mundo bago nagbaha kinailangan ng Kanyang paghuhukom (katotohanan). Ngunit dahil tapat at masunurin si Noe, ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa pagliligtas ng kanyang pamilya mula sa baha (pagmamahal). Ang unang ginawa ni Noe paglabas ng barko ay sumamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog. Nakita niya ang kapangyarihan at katuwiran ng Diyos, ngunit alam din niya na Siya ay mapagmahal at karapat-dapat sambahin.

Inklinasyon pa rin ng tao ang gumawa ng masama, at patuloy ang Diyos sa pagiging parehong matuwid at mapagmahal. Pinahihintulutan Niyang pagdusahan natin ang mga konsikuwensiya ng ating pagsuway, ngunit alok ang kapatawaran at panunumbalik ng relasyon sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Ang hamon sa atin ay sundin ang halimbawa ng Diyos at balansehin ang katotohanan at pagmamahal sa ating pagmamagulang. Madalas mas binibigyang-diin natin ang isa kaysa ang kabila, ngunit pareho silang kinakailangan. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga anak natin ng mga konsikuwensiya ng kanilang mga pagsuway at ang pagsunod sa isang hindi pabagu-bagong pamantayan sa pagdidsplina sa kanila.

Marapat na masalamin sa ating pagdidisiplina ang katotohanan at pagmamahal ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com