Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KALAKASAN SA PAMAMAGITAN NG KANYANG SALITA
Ang "patnubay" na tinutukoy sa siping ito ay ang Salita ng Diyos. Napansin mo bang kapag hindi ka nakakapag-ukol ng panahon sa Salita ng Diyos, pakiramdam mo ay mas mahina ang pakikipag-ugnayan mo sa Kanya at mas mahirap ang mamuhay nang may eternal na pananaw? Hindi magtatagal, ang kapangyarihan ng mundo sa iyo ay lalakas at ang iyong kakayahang magsabi ng "hindi" sa mga tukso ay hihina. Napaalalahanan ako ng sarili kong kahinaan kailan lang sa isang pagdiriwang ng kaarawan noong sinabi ng isang inang naroon ang, "21 araw ko nang hindi nasisigawan ang mga anak ko! Nakakatulong talaga kapag ang Salita ay palaging pumapatnubay sa akin."
Sa maraming pagkakataon nais nating maranasan ang kapangyarihan ng Diyos na hindi naman tayo namuhunan ng panahon na makapagtatag ng relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia at panalangin. Madaling ipagpaliban ang mga bagay na ito dahil sa ating kaabalahan, at pagkatapos ay magtataka tayo kung bakit ang buhay natin ay tila napakagulo at hindi na nating makayanang pamahalaan. Ang katotohanan ay naglalaan tayo ng oras para sa mga bagay na mahalaga sa atin. Gaano ka man kaabala, gawin mong unang priyoridad ang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Alagaan mo ang iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananatili sa Kanyang Salita sa bawat araw.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com