Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 204 NG 280

PAGBABAGO NG PANANAW TUNGKOL SA "PAGLILINGKOD"

Noong lumalaki ang aking mga anak, madalas akong nakokonsensya dahil inoobliga ko silang tumulong sa pagpapatakbo ng aming tahanan. Ang mga kaisipan tulad ng "Pagod na sila" at "Hindi ba ang ina ang dapat naglilingkod sa pamilya?" ang tumatakbo sa aking isipan. Kung minsan, nangangatwiran ako sa pag-ako ng mga responsibilidad na dapat kanila dahil iniisip kong iyon ang dapat ginagawa ng isang "mapagbigay" na ina. Dagdag pa rito, mas madali pa minsan na ako na lamang ang gumawa ng mga nakaatas sa kanilang gawain!

Ang katotohanan ay ang aking akala sa paglilingkod ang madalas na naging sanhi ng kanilang iresponsableng asal. Kinailangan kong baguhin ang pananaw ko sa paglilingkod sa aking pamilya. Tinatagubilinan ng Diyos ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak kung paanong gampanan ang kanilang mga responsibilidad. Bagamat maaaring mas malaking trabaho pa ito sa ating mga magulang, mas dakilang paglilingkod ang ginagawa natin para sa ating mga anak kapag pinipigilan nating gumawa ng mga bagay na dapat sila ang gumagawa.

Paglingkuran ninyo ang inyong mga anak sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang maglingkod sa iba.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com