Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG KAGINHAWAHAN NG ISANG MAGULANG
Ang mga bersikulo na ito ay isinulat ni Haring David sa isang panahong lubhang napakagulo ng buhay niya. Ang isang anak niyang lalaki ay pinatay, ang anak niyang babae ay ginahasa, at ang isa pa niyang anak na lalaki ay nais maghiganti laban sa kanya! Tumakas sa takot si David mula sa Jerusalem noong marinig niyang ang kanyang anak na si Absalom ay nagnanais na pabagsakin ang kanyang kapangyarihan bilang hari. Sa kalagayan ni David, duda akong ang mga salitang "Aawit ako sa tuwa" ang maiisip ko!
Ngunit nakita ni David ang pangangalaga at pag-ibig ng Diyos bilang isang ligtas na lugar kung saan siya ay maaring maginhawahan. Batid niya mula sa kanyang karanasan na kapag may pagpapakumbaba siyang nagpapasakop sa kanyang Ama, ay kakatigan siya ng Panginoon. Hindi ibig sabihin nitong hindi na ipararanas ng Diyos kay David ang bunga ng kanyang mga ginawa, ngunit sa halip ay sasamahan Niya si David sa pagtahak nito sa kanyang mga kahihinatnan, magbibigay ng pag-asa at kaginhawahan maging sa pinakamahirap na kalagayan. Kay gandang halimbawa para sa atin bilang mga magulang!
Hindi natin dapat sagipin ang ating mga anak mula sa mga bunga ng kanilang mga ginawa, ngunit maaari tayong laging maghain ng isang lugar ng pag-asa at kaginhawahan para sa kanila.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God