Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 201 NG 280

MAMUHAY SA PANANAMPALATAYA, HINDI SA NAKIKITA

Malinaw na inihayag ni Moises ang obligasyon ng mga Israelita na maging bayan na naka-ukol sa mga salita ng Diyos, at iniutos Niyang ibahagi ng mga magulang ang kalaamang ito sa kanilang mga anak. Bagamat hindi nakikita ang Diyos ng Israel, nangusap Siya sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Sa kabilang banda naman, ang mga bayan sa paligid ng Israel ay sumasamba sa mga diyos-diyosang gawa ng kanilang mga kamay na nakikita, ngunit hindi nakakapagsalita dahil sila ay walang buhay.

Binalaan ni Moises ang mga tao tungkol sa pagtalikod sa mga salita ng buhay na Diyos at pagsamba sa mga patay na diyos-diyosan. Alam niyang kikiling silang magsamba batay sa nakikita kaysa sa pananampalataya. Alam natin na ang mga Israelita ay tumalikod nga at sumamba ng ibang mga diyos, at na ginamit ng Diyos ang mga hukbong taga-Asiria at Babilonia upang sila ay disiplinahin.

Tulad ng mga Israelita, tayo ay nahaharap sa pagpipili bawat araw. Mamumuhay ba tayo sa pananampalataya sa hindi natin nakikita o hahabol sa mga patay na diyos-diyosan ng makamundong tagumpay?

Kapag sumamba tayo sa mga materyal na bagay, namumuhay tayo sa nakikita at hindi sa pananampalataya.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com