Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 200 NG 280

MALUBHANG MGA PARUSA

Itinalaga ng batas ng mga Judio na ang parusa ay kinakailangang akma sa kasalanan, ngunit hindi labis na malubha. Ang parusa na masyadong magaan ay nagpapababa ng kabigatan ng kasalanan, ngunit ang parusa na labis na malubha ay humahamak at humihiya sa tao. Ang mga kaparusahan ay kinakailangang maging "makatarungan"

Ito rin ang batas ng US batay sa Ikawalong Pag-amienda nito. Ang mga prinsipyong ito ay hindi ba dapat ipatupad din sa pagdidisiplina ng ating mga anak? Minsan lumalabis ang ating pag-didisiplina. Maaaring masama ang araw natin o ang kasalanan ay talagang nakapukaw ng ating galit.

Gayon pa man, kapag labis na malubha ang pag-didisiplina sa ating mga anak, nilalabag natin ang prinsipyong ito. Ang pinakamabuting tugon ay ang ipakita kung ano ang ginagawa ng isang taong may integridad kapag nagkasala sa iba: aminin ang partikular na kasalanang nagawa at humingi ng tawad. Hindi ibig sabihin na wala nang parusa sa kasalanang nagawa ng anak. Ibig sabihin lang nito na kinikilala natin na nakasakit tayo at saklaw rin tayo ng mga patakaran.

Mag-disiplina nang may katarungan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com