Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 199 NG 280

ESPIRITUWAL NA PAKIKIDIGMA

Nilusob ng mga Amalekita ang mga Israelita sa ilang pagkatapos ng Exodo, ngunit natalo sila nina Joshua at ng hukbo ng mga Hudyo. Mapapansin na hindi nilusob ng mga Amalekita ang Israel noong ito ay nasa ilalim ng pagkaalipin sa Ehipto; ginawa lamang nila ito nang ang mga ito ay nakalaya na. Isang paalala ito sa ating hindi tayo kailangang lusubin ng kaaway kapag tayo ay patay dahil sa kasalanan. Sa halip, tayo ay inaasinta kapag tayo ay sumusunod sa Panginoon.

"Ang diablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila" (1Pedro 5:8RTPV05) Kung ang ating pamilya ay walang nakakaharap na pagsalakay, maaaring ito ay isang babalang hindi tayo sumusunod sa Panginoon. Malinaw na hindi tayo dapat naghahanap ng kaguluhan, ngunit malamang na matatagpuan ka ng mga pagsubok kapag ikaw ay nakatuon sa palatuntunan ng Diyos. Hindi tayo dapat matakot sapagkat ang ating Diyos ay malakas, at nagpahayag na Siya ng pakikipaglaban sa sinumang sumasalungat sa atin. Ang kakulangan ng espirituwal na pakikidigma ay maaaring isang tanda na ang iyong pamilya ay hindi nakatuon sa Panginoon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com