Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 174 NG 280

ANG PRESYO AY HINDI ANG HALAGA

Sa kasalukuyang panahon sa America, tayo ay nakakaranas ng pagbagsak ng ekonomiya. Ang mga tao ay nawawalan ng trabaho, ng kanilang mga naipong pera at ng kanilang pagkakontento. Marami ang mangangailangang gawing payak ang kanilang buhay bunga ng krisis. Maaaring kailanganing isuko ang ilang mga luho upang matustusan ang mga pangangailangan. Kapag ginawa natin ito, kailangang nating ihiwalay ang mga bagay na mataas ang presyo sa mga bagay na mataas ang kahalagahan. Ang presyo at ang halaga ay hindi magkapareho.

Ang kahirapan ay maaaring maging mabuti para sa atin, kung gagamitin natin itong pagkakataon upang suriin ang ating mga buhay para sa mga bagay na labis dito at tanggalin ang mga bagay na hindi na natin kailangan. Ang sapilitang disiplina ay mas mabuti kaysa wala kahit na anong disiplina. Ito ay nagbibigay rin sa atin ng pagkakataong kausapin ang ating mga anak patungkol sa paglalagay ng ating tiwala sa Kanya na laging magbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. "Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang karangalan at kabutihan." (2 Pedro 1:3 RTPV05)

Gamitin ang mahihirap na panahon upang ipakita sa iyong mga anak ang pagkakaiba ng presyo at ng halaga.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com