Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGKAKAKILANLAN
Napag-isipan na ba ninyo kung bakit ang ilang pagpuna ay mas masakit kaysa sa iba? Madalas, makikita ng mga taong matindi ang kanilang reaksyon kapag ang kanilang "pagkakakilanlan" ang nanganganib. Lahat tayo ay may mga paraan ng pagturing sa ating sarili bilang ang mabuting ina, isang mahusay na tagapagluto, ang matagumpay na negosyante. Madalas may mga alitan at pag-aaway kapag may naramdaman tayong hamon sa mga pinaniniwalaan natin tungkol sa ating sarili
Walang pinagkaiba ang ating mga anak. Bagamat maaaring ituring nila ang sarili nila sa ibang paraan tulad ng ang matalinong mag-aaral, ang magandang babae, ang magaling na atleta, sila rin ay nakakaramdam ng sakit kapag ang kanilang pagkakakilanlan ay nanganganib. Maaaring tumugon sila sa pamamagitan ng pagtatanong kung sila ba ay mahalaga, may kakayahan, at karapat-dapat.
Noong tayo ay naging Cristiano, ang ating pagkakakilanlan ay habambuhay nang nabago dahil tayo ay kilala na bilang mga anak ng Diyos. Ang ating kahalagahan ay hindi na nakasalalay sa mga bagay tulad ng pang-atletikong kahusayan, kagandahan, katalinuhan, o sa mga opinyon ng ibang tao, sapagkat ito ay nakaugat kay Cristo. Kapag naunawaan natin ang Kanyang ginawa sa krus at tinanggap ang Kanyang pagmamahal, maaari nating malampasan ang mga hamon sa ating pagkakakilanlan dito sa mundo.
Ang ating tunay na pagkakakilanlan ay ang pagiging ganap na minamahal at tinatanggap na anak ng buhay na Diyos!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com