Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGTATAKIP SA KAHIHIYAN
Ang Hardin ng Eden ay perpekto hanggang sa dalhin nina Adan at Eva ang kasalanan at kahihiyan sa mundo. Tinakpan ng Diyos ang kanilang kahihiyan, ngunit ang pagtatakip na ito ay may kabayaran. Upang makakuha ng balat na kailangan para makagawa ng damit, isang inosenteng hayop ay pinatay.
Dakilang pagsasalarawan ng ginawa ni Cristo sa krus! Si Jesus, ang Kordero ng Diyos, ay nagbuhos ng Kanyang dugong wala ni anumang bahid ng kasalanan para sa ating kasalanan upang matakpan ng Diyos maging ang ating kahihiyan. At, bagamat hindi tinutukoy ng Biblia, magugulat ba ang sinuman kung ang hayop na pinatay sa Hardin ng Eden ay isa palang kordero?
Ipinakita ng Diyos ang tugon ng isang mapagmahal na Perpektong Magulang noong tinakpan Niya ang kahihiyan na sanhi ng pagtatago nina Adan at Eva. Pagkatapos, nagbigay Siya ng mga kaparusahan para sa pagsuway sa paraang sina Adan at Eva (at ang kanilang mga inapo) ay naturuan ng isang makapangyarihang aral patungkol sa Kanyang probisyon ng katuwiran para sa hinaharap.
Kung hindi muna tinakpan ng Diyos ang kanilang kahihiyan, maaaring hindi natanggap nina Adan at Eva ang aral. Ang pagtatakip sa kanila ng Diyos ay nagpakita na hinding-hindi Niya iiwan ni pababayaan man ang Kanyang mga anak. Tinanggap nina Adan at Eva ang aral dahil minahal at pinagkatiwalaan nila ang Guro.
Nagiging posible ang pagtuturo kapag natatakpan ang kahihiyan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com