Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAG-IINGAT #1
Posible kaya na sa pagsisikap mo na maging pinakamagaling na magulang na maaari kang maging ay napapabayaan mo paminsan ang sarili mong espirituwal na paglago? Kapag ang mga pangangailangan ng iyong pamilya ay hinihinging gumawa ka magmula madaling-araw hanggang gabing-gabi na, maaaring matukso kang isakripisyo ang iyong panahon sa Diyos, panalangin o iba pang gawaing espirituwal. Nakita ni Pablo ang ganitong gawi sa mga taong kanyang tinuturuan at nagbigay-babala siya tungkol dito. Mahihirapan kang magbigay sa kaninuman mula sa walang-lamang espiritwal na "kopa." Maging si Jesus ay kinailangang lumayo sa madla at sa Kanyang mga alagad upang makipag-usap sa Kanyang Ama.
Kapag nakakalimutan nating ibigay ang pinakamahalagang panahon ng araw natin sa Diyos, maaari tayong magsimulang makakita ng mga suliranin tulad ng galit, kapaitan, hinanakit, at kahirapang makapagpasya patungkol sa mga moral na bagay. Hindi kapakinabangan sa ating mga anak kung tayo ay hapo sa ating espirituwal na buhay. Habang si Pablo ay nagpapaalam sa mga pinuno ng iglesya ng Efeso, binalaan niya ang mga ito, "Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat sila'y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat." (Mga Gawa 20:28 RTPV05). Pansinin na binalaan niya ang mga ito na una, ingatan ang kanilang mga sarili; pagkatapos ay ang kanilang kawan. Isang napakahalagang aral ito para sa ating mga magulang.
Kapag ang iyong relasyon sa Diyos ang iyong unang priyoridad, ikaw ay nasa mas mabuting kalagayan upang maglingkod sa ibang tao at sa iyong pamilya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com