Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 176 NG 280

WALA NANG PAGTATAGO

Pagkatapos kumain nina Adan at Eva mula sa puno, napagtanto nilang sila ay hubad. Bilang tugon, nagtago sila sa Diyos at pinagtahi-tahi ang mga dahon ng igos bilang panakip sa katawan. Ang tugon ng Diyos sa kasalanan ni Adan ay isang tanong: "Saan ka naroon?" Tiyak na hindi naiwaglit ng Diyos si Adan! Tinanong Niya ito para sa kapakanan ni Adan, hindi para sa Kanyang kapakanan.

Dahil sa ginawa nina Adan at Eva, hanggang ngayon ay nagtatago pa rin tayo. Ang pamimili, pag-kain, pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot, ang alkoholismo, at kung minsan pati ang pag-eehersisyo ang ating "dahon ng igos." Tinatanong pa rin tayo ng Diyos, "Saan ka naroon?" Tinatawag Niya tayo upang lumabas sa ating pinagtataguan at pumasok sa isang pakikipag-ugnayan sa Kanya.

Napakagandang halimbawa para sa mga magulang! Tawagin ang inyong mga anak mula sa pagtatago sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga katanungang hihimok sa kanilang magsalita at pakinggan nang may pag-unawa ang kanilang mga sagot, sa halip na husgahan at ipahiya sila. Kung kailangan magbigay ng kaparusahan dahil sa kanilang hindi pagsunod, piliing ibigay ito nang may empatiya.

Ang pagharap sa inyong mga anak nang may empatiya ay makakatulong sa kanilang lumabas mula sa pagtatago patungo sa isang pakikipag-ugnayan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com