Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 175 NG 280

ANG KAPANGYARIHAN UPANG YUMAMAN

Hindi ba kapansin-pansin kung paanong iginagalang at pinupuri natin ang mayayaman at sikat na tila baga may kakayahan silang makagawa ng kanilang kayamanan o kasikatan sa sarili nilang lakas? Ang mga taong "mayroon" ay nagsusulat ng mga aklat tungkol sa kanilang mga tagumpay at nag-aalok na turuan ang ibang tao kung paano silang gagayahin upang yumaman din. Bigo silang makita na ang Diyos ang gumawa upang maging posible ang kanilang pagyaman. Ang kapakumbabaan ay isang katangian na hindi madalas nakikita sa mga taong ito.

Gayunman, bago natin husgahan ang mga taong ito, kailangan muna nating tingnan ang sarili nating mga puso. Madali tayong napapahanga ng sarili nating mga kakayahan at gustung-gusto nating pinag-uusapan ang ating mga nagawa upang matamasa rin ng ating pamilya ang ating natamong "karangalan". Sa kasamaang palad, madalas ay hindi natin nagagamit ang kayamanang ating nakukuha upang maparangalan ang Diyos na gumawa upang ito ay maging posible. Binabalaan tayo ni Moises na "alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ... ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo". Hindi tayo binibigyan ng Diyos ng kakayahang ito upang parangalan ang ating sarili.

Ipakita sa inyong mga anak na kilala ninyo ang pinagmulan ng inyong mga kakayahan, anuman ang mga ito. At ipakita sa kanila kung paano mong ginagamit ang iyong mga kakayahan upang parangalan ang Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com