Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG HALIMBAWA NG DIYOS NG PAKIKIRAMAY
Ang pagkain mula sa puno ay hindi nagresulta sa inaasahan nina Adan at Eva. Bagama't naging tulad sila ng Diyos sa abilidad na makilala ang mabuti at masama, agad din nilang napagtanto na ang sarili nilang kasamaan ang naibunyag. Ang resulta? Ang kahihiyan ay pumasok sa mundo sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang nag-iisang bersikulong ito mula sa Biblia ay may nakakasindak na kinahinatnan! Sa kabila ng hayagang pagsuway ni Adan at Eva, at ng lubhang napakalalang mga parusa na ihahain dapat sa kanila, ang Diyos ay tumugon nang may perpektong pakikiramay. Matapos nilang gawin ang pinakamakabuluhang kasalanan sa buong kasaysayan, kinilala ng Diyos ang kanilang damdamin at iginawa sila ng mga damit na yari sa balat ng hayop upang takpan ang kanilang kahihiyan!
Tunay na kahanga-hanga at mapagmahal ang Ama natin! Bilang mga magulang, dapat nating gawing huwaran ang ganitong pakikiramay sa ating mga anak, kahit sinusuway nila tayo. Paano? Sa pag-uusisa ng kanilang mga naiisip, damdamin, motibasyon, at nararamdamang mga kahinaan habang ihinahain ang mga kinakailangang parusa, at pakikidalamhati sa kanila sa mga mahihirap, ngunit kinakailangang mga aral sa buhay.
Habang nararanasan mo ang hindi maarok-ng-isip na pagmamahal ng Diyos, hayaang ang nag-uumapaw na pagpapasalamat ang mag-udyok at gumabay sa iyong pagmamagulang.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com