Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 172 NG 280

ANG PLANO NG DIYOS

Bilang mga Cristiano, dapat nating gugulin ang ating buhay sa pagtuklas at paggamit ng ating mga espiritwal na kaloob, at ganito rin dapat para sa ating mga anak. Ang pagsisikap na ito ay mahalaga upang magawa natin ang layunin ng Diyos para sa atin, sapagkat wala tayong magagawang anuman para sa Kanya nang wala ang mga kaloob na ibinigay Niya. Sa pamamagitan ng mga kaloob na iyon, gayunpaman, malaki ang magagawa natin!

Hindi ba at nakahihikayat malaman na binibigyan tayo ng Diyos ng mga kakailanganin natin upang magawa ang mga bagay na ipinagagawa Niya sa atin? Iyan ang kagandahan ng mga espiritwal na kaloob na nagbibigay sa atin ng kakayahang makapaglingkod ayon sa layunin ng Diyos. Siyempre, ang taliwas ay totoo rin kapag sinubukan nating gawin ang iba pang bagay kaysa sa kung ano ang nais ng Diyos na ating gawin, nawawala tayo sa Kanyang disenyo para sa atin at tayo ay nakalaan na magkulang.

Tulungan mo ang iyong mga anak na maihayag ang mga kaloob ng Diyos sa kanila, linangin sila at tulungan silang magamit ang mga ito, para sa kaluwalhatian ng Panginoon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com