Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KALUNGKUTAN AT PAGSISISI
Mayroong dalawang uri ng kalungkutan; ang maka-Diyos na kalungkutan na nagbubunga ng pagsisisi, at maka-mundong kalungkutan na nagdadala ng kamatayan. Ito ay mahalagang konsepto kapag dumating ang ating anak mula sa paaralan na malungkot dahil sa isang pangyayari na naganap ng araw na iyon. Ano ang layunin natin sa usapin na iyon? Ito ba ay upang magbigay ng sisi, gumawa ng mga dahilan o itama sila upang ito ay hindi na muling mangyari? O, ito ba ay upang maipaunawa natin sa kanila ang epekto ng pangyayaring ito at maipakita natin kung paano magagamit ito ng Diyos upang sila ay magsisi?
Madalas, tayo ay nagpapadala sa ating emosyon sa pagkakataong iyon at nakakalimutan natin na ang Diyos ay kaya tayong tubusin sa kahit anong bagay. Hindi ba at kay ganda kung ang kalungkutan ay maging daan upang makita ng iyong anak ang Panginoon ng mas malinaw? Iyan ang nilalayon ng maka-Diyos na kalungkutan.
Kilalanin na ang masakit na karanasan ay maaring maging oportunidad para ang ating mga anak ay lumaking malapit sa Panginoon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com