Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 170 NG 280

PAGKAMAHALINA

Kapag nagbibihis ang iyong anak sa umaga, napapangiwi ka ba? Natatanong mo ba sa sarili ang, "Para kanino ba sila nagbibihis?" Saad ng siping ito ang inaasahan ng Diyos patungkol sa panlabas na gayak, at tila ang kahali-halinang panlabas ay hindi kabahagi ng inaasahan Niya. Ang panloob na kagandahan ang Kanyang nais. Hindi ibig sabihin nito na tutol Siya sa anumang pagpapahayag sa sarili, bagkus na may pagkakaiba ang maka-Diyos na pagpapahayag at makamundong pagpapahayag.

Pinaghahambing ni Pablo ang panlabas ng tao sa kanilang panloob. Napakalaking halaga ang iginugugol ng mundo upang makumbinsi tayo na ang pagkamahalina, kagandahan at moda ang kinakailangan upang magtagumpay. Ngunit ito ay mga panlabas na palamuti na maaaring walang naihahayag patungkol sa taong nakagayak nito. Hindi mapapalitan ng pansin ang pag-giliw, at naaakit ng isang marikit na panloob na espiritu ang tunay na pag-giliw. Ang totoong kagandahan ay nagmumula sa loob, at kilala ito ng Diyos.

Ang makamundong kagandahan ay mababaw, ngunit ang maka-diyos na kagandahan ay sinlalim ng pagkatao ng isang indibidwal.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com