Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG PAGKAMASUNURIN NG ANAK
Maraming dahilan kung bakit marapat na sumunod ang mga anak sa kanilang mga magulang, at isa ay dahil napapanatili nito ang banal na kaayusang itinalaga para sa tahanan. Kinakailangang may namumuno. Ngunit hindi ipinahihiwatig nito na mas may halaga ang magulang sa sambahayan. Ibig sabihin lang nito na sila ang may awtoridad at ang iba ay dapat magpasakop sa diwa ng pagmamahal.
Nakakawiling konsepto ang Awtoridad. Mas may kinalaman ito sa kaayusan kaysa sa halaga o abilidad. Ang isang Private sa hukbo ay hindi kinakailangang maging mas mataas ang ranggo kaysa sa kanyang opisyal upang maging mas mahalaga o mas may kakayahang mandirigma. Ang opisyal ay mas may awtoridad, ngunit hindi ito nangangahulugang siya ang mas mabuting tao. Nakukuha niya ang respeto ng kanyang mga sundalo sa paggamit ng kanyang awtoridad sa paraang tulad ni Cristo.
Marapat na sumunod ang mga anak sa kanilang mga magulang sapagkat binigyan sila ng Diyos ng awtoridad na sila ay palakihin, alagaan, gabayan at disiplinahin sa pagmamahal. Ngunit, ang pagpapasakop ay hindi katumbas ng pagkatalo.
Ang "pagpapasakop" ay pagkilala ng kaayusang itinalaga ng Diyos para sa tahanan at magalak na pagsunod sa mga magulang na karapat-dapat nito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com