Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 168 NG 280

ANG PINAKAMASAMA SA MGA MAKASALANAN

Kung mayroon mang tao na karapat-dapat magmayabang dahil sa kanyang mga "ginawa para sa iglesia," ito ay si apostol Pablo. Ngunit, napagtanto niya na siya, at tayong lahat, ay nangangailangang malaman kung ano ba talaga ang totoo. Anuman ang ating gawin, kailangan pa rin natin ang habag at biyaya ng Diyos. Hindi natin kayang lampasan ang pagbibigay ng Diyos at ang ating pagsisikap ay hindi kayang iligtas tayo o ang ating mga anak.

Gayunman, ang katotohanang ito mismo ang nagbigay ng kagalakan kay Pablo sapagkat ang Ebanghelyong kanyang ipinapangaral ay nariyan para sa lahat ng nagtitiwala kay Cristo, anuman ang kanilang naitulong (1 Tim. 1:15). Sa katunayan, ikinatuwiran niyang kung maililigtas ni Cristo ang isang taong may tatak na pinakamasama sa mga makasalanan, sa gayon ay sapat na ang Kanyang biyaya para sa atin. Ang kababaang-loob ni Pablo ay isang dakilang halimbawa. Punahin na hindi sinabi ni Pablo na "ako ang pinakamasama noon", kundi ang sinabi niya ay "ako ang pinakamasama".

Kapag nagsimula tayong makaramdam ng pagmamalaki dahil sa ating mga nagawa, tumingin tayo kay Pablo at magkaroon tayo ng kapahingahan sa biyaya ng Diyos. Ang biyaya ay sapat!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com