Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA NANAY AT TATAY
Ang mga bersikulong ito ay naglalarawan ng katangiang kinakailangan upang hubuging maigi ang mga bata sa isang pamilyang espiritwal. Ilan sa mga katangiang ito ay maiuugnay sa mga nanay, katulad ng pasensya, kahinahunan at debosyon sa kanyang mga anak na magtutulak sa kanya na maglaan ng oras kasama nila at busugin sila, sa aspetong pisikal at espiritwal. Ang ibang katangian naman ay maiuugnay sa mga tatay, kagaya ng pagpapalakas ng loob, pagkonsuwelo at paghimok sa mga anak nila na mamuhay nang karapatdapat sa Panginoon.
Si Pablo, kasama ang iba pang misyonero ay ibinahagi ang mga katangiang ito sa mga mananampalataya sa Tesalonica upang sila ay lumago sa aspetong espiritwal. Ginampanan niya ang tungkulin ng parehong nanay at tatay, at binigyan rin niya tayo ng magandang larawan ng pangangailangan ng mga anak at ang gampanin ng mga magulang na punan ang mga pangangailangang iyon. Kahit na ikaw ay nasa pamilyang mayroon lamang iisa o may dalawang magulang, ang pangangailangan ng mga anak ay pareho pa rin. Ngunit wag panghinaan ng loob, bibigyan kayo ng Diyos ng mga kailangan upang gampanan ang gawain kung saan tinawag ka Niya (Heb. 13:21).
Magtiwala sa Diyos para sa kalakasan at mga katangiang kailangan upang palakihin ang iyong mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com