Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA TINIK
Kung tinitingnan natin ang pagdurusa bilang isang bagay na dapat iwasan, maaari nating malaktawan ang ilang mga pinakadakilang gawa ng Diyos. Sinasabi sa atin ng babasahing ito na ang ilang pagdurusa ay pagsusumakit ng Diyos na itama tayo, at bunsod ng Kanyang dakilang pagmamahal para sa atin. Ang pagdurusa ay maaaring tanda ng pagmamahal ng Diyos!
Binibigyan din tayo ng pagdurusa ng pagkakataon na ipahayag ang kadakilaan ng Diyos. Ang alagad na si Pablo ay mayroong malubhang kalagayan na tinawag niyang "kapansanan sa katawan." Hindi natin alam kung ano iyon, ngunit alam natin na lubos siyang nahihirapan dito kaya't ipinagdasal niya nang tatlong ulit ang maaalis ito. Hindi inalis ng Diyos ang "kapansanan", at nakumbinsi si Pablo na ang kanyang pagdurusa ay may pakinabang dahil pinigilan siya nito na maging hambog. Sinabi ng Diyos kay Pablo na ipinahayag ng kahinaan ni Pablo ang Diyos: "Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.”
(2 Mga Taga-Cor. 12:9).
Kapag nararamdaman mo na ikaw ay hindi bagay sa pagiging magulang, alalahanin mong kapag mahina ka, maaari kang puspusin ng Diyos ng Kanyang lakas. Kapag umasa ka sa sarili mong lakas, wala nang puwang para sa Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com