Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 165 NG 280

PAG-ANINAW

Ang panalangin ni Paul para sa mga taga-Filipos ay maaari rin nating maging panalangin para sa ating mga anak. Sino ang hindi nagnanais na yumaman sa kaalaman at kaisipan ang kanilang mga anak at maging dalisay at walang sala, gumagawa ng mga desisyon na sumasalamin sa kabanalan ng Diyos? Paano mo sila tutulungan na abutin ang mga matayog na layuning ito?

Isang paraan ay ang bigyan ang iyong mga anak ng maraming pagpipilian at pagkakataon na matuto mula sa sariling karanasan. Hindi natututuhan sa loob lamang ng isang araw ang paggawa ng mabuting desisyon. Maaaring kailangan makagawa ng maling mga pagpili ang iyong mga anak bago nila matutuhan ang pagpili ng tama. Siyempre, hindi mo sila bibigyan ng kahit anong pagpipilian lang dahil dapat bigyan lamang sila ng mga opsyon na nais mong piliin nila. Ngunit ang mga pagkakataon na bigyan sila ng mahahalagang pagpili ay walang katapusan.

Simulan sa maliliit na pagpili para sa mga bata at palawakin ang mga pagpipilian nila habang sila ay lumalaki. Lumakad sa tabi nila habang tinutuklas nila ang mundo. Magsaya sa proseso!

Ang mga batang hinikayat na gumawa ng maraming tamang pagpili ay nagkakaroon ng kaalaman, pagkatuto at pag-aninaw.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com