Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

GINHAWA
Lahat tayo ay may pagkakataong nagkakamali bilang magulang. Kapag sinisigawan natin ang mga anak natin, pinapangaralan o tinatalakan sila, inililigtas sila sa kanilang mga kamalian, pinaparusahan silang malupit, at marami pang iba. Hindi ito ikinagugulat ng Diyos. Alam Niya at handa Siyang patawarin lahat ng ito. Maaari mong isuko ang iyong pagkakasala at kahihiyan sa Kanya. Kukunin rin Niya ang iyong pagkamakasarili at kapabayaan, kung lalapit ka sa Kanya at aaminin ang mga ito.
Iyan ay isang malaking ginhawa! Ang Diyos ang may hawak ng sitwasyon, at nais Niyang tulungan ka sa pagpapalaki sa iyong mga anak. Kapag may nagagawa kang mali, tutulungan ka Niyang maging modelo ng kababaang-loob sa iyong pag-amin ng kamalian sa kanila at hingin ang kanilang kapatawaran. Minsan, ginagamit ng Diyos pati ang ating mga kamalian na pagkakataon upang makipag-ugnayan sa ating mga anak sa mas personal na paraan.
Manalig sa Perpektong Magulang at dadalisayin Niya ang iyong mga kamalian.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Nilikha Tayo in His Image

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan