Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PATUNAY
Hindi natin parating alam kung gaano katatag ang ating pananampalataya hanggang sa dumaan tayo sa pagsubok. Mayroong pamamaraan ang mga pagsubok na mailantad ang mga bahagi kung saan nagtitiwala tayo sa ating mga sarili imbes na umasa sa Diyos. Nahikayat ni Paul ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng kahalagahan ng gawaing pagpapabanal ng Diyos sa kanilang mga buhay.
Hindi layunin ng pagpapabanal na ihayag ang puso ng isang tao sa Diyos. Alam na Niya ito! Bagkus, ito ay para ihayag ang puso sa kanyang sarili mismo. Maaari itong maging masakit minsan sapagkat tayo ay nahaharap sa lalim ng ating kasalanan at hinahamon na lumago sa aspetong espiritwal.
Manalangin sa Diyos na ipakita ang mga "troso"sa iyong mga mata at para sa lakas upang yakapin ang proseso ng pagpapabanal. Ang panahon ng pagsubok ay nagbibigay ng pagkakataon na maging mas katulad ni Kristo at upang maging abang halimbawa para sa ating pamilya.
Pinalilitaw ng mga pagsubok ang ating mga kahinaan at hinahamon tayo na lumago sa kabanalan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com