Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGKABIT SA KAPANGYARIHAN
Alam ni apostol Pablo na pananampalataya ang susi sa buhay na pagiging masunurin. Sa pamamagitan ng pananampalataya, nagagawa nating mas pag-alabin ang pagmamahalan sa isa't isa at magtitiis sa gitna ng mga kahirapang dinaranas. (2 Mga Taga-Tesalonica 1:3-4) Sa siping ito, nagpatuloy siya sa pagpapakita kung paanong ang pananampalataya ay nakaugnay sa kapangyarihan.
Dahil sa pananampalataya, natatanggap natin ang kapangyarihan ng Diyos na mapangyari ang Kanyang layunin sa ating mga buhay. Katulad ito ng charger ng baterya sa aking laptop. Kung hindi ito nakasaksak, hindi mag re-recharge ang baterya at mamamatay ang aking laptop sa maikling panahon lamang. Kapag ang kurdon ng kuryente ay nakasaksak, nananatiling may charge ang baterya at kaya kong makapagtrabaho ng mahabang oras.
Kapag umaasa tayo sa sarili nating lakas para gawin ang tama, madali tayong mabibigo dahil may hangganan ang kakayahan natin bilang tao. Ngunit kapag niluluwalhati natin si Jesus at sumusuko sa Kanyang kalooban sa ating buhay, kumakabit tayo sa kapangyarihang higit na napakalaki sa kalooban ng tao.
Manatiling nakakabit sa kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pananampalataya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com