Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 161 NG 280

PANANGUTAN SA DIYOS

Ang Diyos ang nagbigay ng iyong mga anak, at inaasahan Niyang palalakihin mo sila para sa Kanyang kaluwalhatian. Ikaw ay isang katiwala ng mga anak ng Diyos, at bilang isang katiwala, kailangan mong ipanagot sa iyong Panginoon ang iyong mga gagawin. Mabuti na lamang at hindi mo kailangang managot sa ibang mga panginoon, ibang mga katiwala, o kaya naman sa mga ipinagkatiwala sa iyo; Sa huli, ang Panginoon lamang ang may kapangyarihang humusga ng iyong mga ginawa.

Napakagandang balita niyan! Hindi mo kailangang managot sa ibang mga magulang o sa kulturang kinalalagyan. Hindi mo na kailangang makipagpaligsahan! Hindi mo kailangang makiayon sa pakahulugan ng mundo sa tagumpay dahil hindi mo panginoon ang mundo. At kapag nagtampo sa iyo ang iyong mga anak dahil sa paghihigpit o sa pagdidisiplina mo sa kanila, angkinin ang kaaliwan sa kaalamang hindi ang kanilang pagsang-ayon ang iyong layunin.

Hindi ibig sabihin nito na maaari mong gawin ang anumang nais mo sa iyong mga anak; pinagkalooban ka ng iyong Panginoon ng mga katuruan patungkol sa pakikipag-ugnay sa iyong mga anak (Efeso 6:4)--ang ibig sabihin lamang nito ay unahin mo ang ikalulugod ng Panginoon. Maging tapat at matalinong katiwala ng iyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com