Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 160 NG 280

ANG PANGANIB NG PAGMAMALAKI

Ano ang "kasinungalingang" madaling paniwalaan ng mga tao? Ito ang unang mensahe kay Eva sa halamanan na "Kayo'y magiging parang Diyos". Ang nag-iisang kasinungalingang ito ay nakapagligaw sa mas nakararaming tao higit sa anupamang kasinungalingan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Subalit lahat tayo ay may ginugusto ring subukang gawin, na hindi kasama ang Diyos, paminsan-minsan. Kapag matagal nating patuloy na habulin ito, ibibigay sa atin ng Diyos ang ninanais natin.

Kapag ginagawa natin ang nakapagpapasaya sa atin at sinusubukan matupad ang mga makasariling layunin sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap, pinapalawig natin ang kasinungalingan. At iminomodelo natin sa ating mga anak kung ano ang ibig sabihin ng pagpapalit ng "... katotohanan tungkol sa Diyos...ng kasinungalingan" (Roma 1:25). Ipinagpapalit ng kapalaluan ang kaluwalhatian ng Diyos para sa panlilinlang ni Satanas.

Malinaw ang sinabi ni Pablo sa kanyang mga sulat na iisang uri lamang ng pagmamalaki ang marapat: ang pagmamalaki ng ating mga kahinaan at ng kalakasan ng Panginoon. Turuan natin ang ating mga anak na ang tanging ipinagmamalaki ay ang pagpapala ng Panginoon.

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com