Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 159 NG 280

PAMUMUHAY SA KATOTOHANAN

Maraming oras ang iginugugol natin sa pag-aaral ng at pag-uusap tungkol sa Salita ng Diyos, ngunit dapat maging masigasig din tayo sa pagsasabuhay nito. Tayo ay binabantayan ng mga tao, kasama na ng ating mga anak, upang makita nila kung ano ang kahulugan ng pagiging mananampalataya.

Sabi ni Warren Wiersbe, "Maraming mga Cristiano ngayon ang nagbibigay-diin sa pag-iingat sa katotohanan, ngunit hindi naman nagbibigay ng hustong pagpapahalaga sa pamumuhay sa katotohanan. Isa sa pinakamabuting paraan ng pag-iingat sa katotohanan ay ang pagsasabuhay nito. Mabuting paninidigan ang ating pananampalataya, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang maipakita din ang ating pananampalataya. Hindi na kinailangan ni Lazaro mangaral tungkol sa muling pagkabuhay. Sapat na ang nakita siya ng mga tao at sila'y sumampalataya."

Ipakita ang pananampalatayang isinasabuhay sa iyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com