Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

AGARANG KALUGURAN
Isa sa mga pinakamagandang halimbawa ng panganib ng agarang kaluguran ay makikita sa isang pamilyar na kuwento sa Biblia. Si Esau ay gutom pagkatapos ng isang mahabang araw ng pangangaso at hindi na siya makapaghintay na makapaghapunan. Naamoy niya ang nilulutong sabaw ni Jacob at kailangang makain na niya ito agad-agad! Sinamantala ni Jacob ang pagkakataon at hiningi niya ang karapatan ng pagiging panganay ni Esau kapalit ang iisang mangkok ng sabaw. Sandali lang ay hindi na masupil ni Esau ang kanyang paghahangad upang malabanan ang bitag ni Jacob, at nahulog siya rito. Nawala niya ang kanyang karapatan ng pagiging panganay at si Jacob na ang naging ama ng bansang Israel.
Ito ay isang kuwento na magandang maibahagi sa ating mga anak sapagkat inilalarawan nito ang panganib ng pagsunggab ng kaluguran ngayon kapalit ng mas magandang kinabukasan. Tulungan ang iyong mga anak na makita kung paanong ang agarang kaluguran ay maaaring magbunga ng mga pang-walang hangganang konsikuwensiyang negatibo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com