Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG MGA BAKAS-DALIRI NG PANGINOON
Narinig na marahil ng inyong pamilya ang nakakatakot na kalagayan ng mundo at kung gaano ito kalupit at walang kinikilalang Diyos. Inaasahan ng iba ang tuloy-tuloy na pagbaba ng moralidad at pag-uugali hanggang sa muling magbalik ang Panginoon at itama Niyang muli lahat ng bagay.
Pero minsan ay sa sobrang nakatuon tayo sa mga negatibong aspeto sa mundo ay nakakaligtaan nating tingnan ang positibo. Sa paligid natin ay umaalingawngaw ang Kaniyang kadakilaan. Makikita mo ang mga bakas-daliri ng Panginoon sa kabundukan at karagatan, sa paglubog at pagsikat ng araw, pati na rin sa mga mabubuting gawain ng mga taong sa isa't isa kahit hindi sila magkakilala.
Dahil sa pagiging abala ay ninanakawan natin ang ating sarili ng mga simpleng kaligayahan. Maglaan ng panahon upang tulungan ang iyong mga anak na makita ang Panginoon sa Kanyang mga nilikha at pahalagahan ang kagandahan ng Kanyang katha. Malay mo makapagbigay ginhawa rin ito sa iyo!
Ang mundo ay puno ng lalang ng Panginoon; kilalanin natin ito nang magkasama.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com