Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KAPAHINGAHAN PARA SA NAHIHIRAPAN AT NAPAPAGOD
Sino ba ang magulang na hindi nanlulupaypay sa dulo ng araw?! Minsan tila sa malayong hinaharap pa natin makakamtan ang pahinga. Kapag ako ay pagod at pinanghihinaan ng loob, tinitingnan ko ang isang magnet na iniregalo sa akin. Nakasulat dito ang: "Kapayapaan. Hindi ibig sabihin nito na ikaw ay nasa dakong walang ingay, gulo o mabigat na gawa. Ibig sabihin nito na ikaw ay nasa kalagitnaan ng mga ito at manatili pa rin na mapayapa sa iyong puso." Posible ba iyon?
Sa siping ito, iniimbitahan ni Jesus ang lahat ng nahihirapan at nabibigatang lubha na lumapit sa Kanya. Hindi Niya binabalak ang kalayaan mula sa ingay, gulo o mabigat na gawa. Inaalok Niya ang isang bagay na mas pangwalang- hanggan at magbibigay-kasiyahan. Hangad ni Jesus na mahanap natin ang kapahingahan sa ating mga mga kaluluwa mula sa pasan na kasalanan at sa mga konsikuwensiya nito!
Maglaan ng panahon na ilagay ang iyong mga pasanin sa mga kamay ni Jesu-Cristo. Ibinigay na Niya ang kabayaran, at ang Kanyang kapayapaan ay mapapasaatin kung hihingin natin ito. Tamasahin ang kapayapaan na hindi kayang maunawaan ng tao, kahit sa gitna pa ng kaguluhan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com