Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 154 NG 280

PAGLALAKAD SA LIWANAG
Madaling maligaw ng landas dito sa mundo ng kadiliman. Kung minsan, pakiramdam natin na natitisod tayo sa landas ng buhay at nangangapa sa dilim. Ngunit ang pag-asa para sa mga mananampalataya ay mayroong liwanag, at matatagpuan ito sa Panginoon!

Huwag panghinaan ng loob dito sa mundo ng kadiliman. Kalaunan ay mararanasan din natin ang kabuuan ng kaluwalhatian ng Diyos sa langit. Ngunit habang hindi pa, patuloy tayong sumunod sa Diyos. Nangangako Siya ng liwanag sa ating landas. Sa pagsunod sa Kanya at sa Kanyang pangunguna, maaari tayong maging magandang halimbawa sa ating mga anak habang nabubuhay sila.

Sikaping huwag panghinaan dahil sa mga bagay sa mundo. Umasa sa Diyos na Siyang ilaw sa iyong daraanan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com