Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MAGTIWALA SA DIYOS
Saan mo inilalagay ang iyong pagtitiwala? Sa abilidad mo ba na kontrolin ang iyong mga anak o puwersahin sila maging ang mga taong ninanais mo sila maging? Sabi sa Jeremias 17:5, ““Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin,
at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao" dahil alam niya na ang pagdepende sa gawa ng tao ay mauuwi sa pagkabigo. Bagkus, sinasabi niya na dapat kilalanin na ang Diyos ay mapagkakatiwalaan at ibigay sa Kanya ang responsibilidad para sa buhay ng ating mga anak.
Ihinahambing ni Jeremias ang ating pagtitiwala sa isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan. Nanlulupaypay ang isang halaman kapag kapos o mahina ang daloy ng tubig. Ngunit bilang mga Cristiano, mayroon tayong makapangyarihang pangwalang-hangganang pinagkukunan ng tubig na tutulong sa atin na malampasan ang mga paghihirap at manatiling nakatayo! Ang ating pagtitiwala ay napapalakas kapag kinikilala natin ang katapatan ng Diyos at inaalala ang maraming pagkakataon na hinango Niya tayo mula sa takot at dinala sa dakong may pag-asa.
Kapag humaharap sa "tag-init" sa pagmamagulang, alalahanin ang katapatan ng Diyos at sumalok mula sa Kanyang kalakasan imbis na sa iyong sariling kalakasan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com