Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PANGHIHINA
Gaano kadalas ba tayong nagsusumamo para sa kasiguruhan at kalakasan? Bilang mga magulang, malamang madalas! May mga panahon na kailangang dalhin tayo sa malaking bato na lalong mataas kaysa atin upang makita natin ang hinaharap na hinanda ng Diyos sa kabilang ibayo ng ating kasalukuyang paghihirap. Kung minsan, kailangan natin maiangat upang makita ang buhay sa pang-walang hanggang perspektibo ng Diyos. Sa siping ito, kinikilala ni David ang mas mataas na "bato" bilang lugar ng kaligtasan at kapangyarihan, at alam niya na tanging ang Diyos ang makapagdadala sa kanya roon.
Minsan nakapanghihina ng loob ang pagmamagulang, ngunit nais ng Diyos na gamitin mo ang mga panahong iyon upang ipagsumamo sa Kanya ang kasiguruhan at kalakasan. Sabi sa Santiago 1:5 na ang humihingi ng karunungan ay bibigyan. Ang karunungan ay isang paraan upang maiangat ka ng Diyos sa mas mataas na lugar.
Alalahanin mo na hindi ka kailanman makakulong sa kasalukuyang sitwasyon mo. Pagtiwalaan mo ang Diyos na mag-angat sa iyo sa mas mataas na lugar, at ibigay sa iyo ang Kanyang pang-walang hanggang perspektibo!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com