Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

SINO ANG AMA MO?Nang naglalakad ako isang araw sa pasilyo malapit sa tanggapan ng punong-guro sa paaralan namin, narinig ko ang tinig ng isang ama. Seryoso ang boses niya, ngunit hindi naman galit.
"Kaninong anak ka?" tanong ng ama habang tinititigan ang kanyang sampung-taong-gulang na anak na lalaki. Maamong lumingon palayo ang binatilyo. "Tumingin ka sa akin," sabi ng ama, "at sagutin mo ang tanong ko. Kaninong anak ka?" Luhaan ang mga mata, tiningnan ang ama at tila nahihiyang sinabi, "Sa inyo po." "Anak, gusto kong bigkasin mo nang malakas at may dangal," sabi ng ama. "AKO'Y SA INYO!" Sumigaw ang bata, sabay hinarap ang pagkakatitig ng kanyang ama. Agad-agad, niyakap ng ama ang anak.
Kalaunan, nalaman kong nakatanggap ang bata ng mga mabibigat na konsikuwensiya dahil sa paglabag sa isang patakaran ng paaralan. Tumulo ang luha ko nang maalala ko ang bersikulo sa itaas. Kapag nagtiwala tayo kay Jesu-Cristo bilang ating tagapagligtas, nagiging anak tayo ng Diyos. Maaari nating isigaw ang, "AKO'Y SA IYO" sa ating Ama sa langit.Ipasa ang walang-pasubaling pagmamahal ng Diyos sa inyong mga anak. Pasalamatan Siya dahil sa pinapakita Niyang walang- hanggang kagandahang-loob!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com