Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 151 NG 280

WALANG-SALANG PAGMAMAGULANG

Sa kasalukuyang kultura, madalas nating naririnig na ang sama ng loob na dala ng pagkakasala ay masamang bagay. Ayon sa makabagong sikolohiya ito ay resulta ng mababang pagtaya sa sarili. Ngunit paminsan ang sama ng loob na dala ng pagkilala ng sariling pagkakasala ay natural lang talaga na resulta ng ating kasalanan!

Paano matatakasan ng mga biguang magulang na naninirahan sa biguang mundo ang bagsik ng sama ng loob na dala ng pagkilala ng sariling pagkakasala? Sa pagtanggap sa ginawang pagtubos sa atin ni Jesu-Cristo. Wala nang mas nakakapagpalaya pa kaysa sa ipagtapat ang ating kasalanan at ang kilalanin na ang sakripisyo ni Cristo sa krus ang nagpagaling sa atin! Makakapiglas tayo sa pagkakaalipin na dala ng kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa ginawang paglilinis ng ating Tagapagligtas.

Madalas tayong magkakamali sa pagmamagulang. Huwag nating payagang mailayo tayo ng mga ito sa Diyos. Oras na upang magtapat, mamatay sa kasalanan, at mamuhay nang may katuwiran!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com