Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

DISIPLINA MULA SA MAPAGMAHAL NA MAGULANG
Ang salitang "disiplina" sa siping ito ay nangangahulugan ng turuan o sanayin, imbis na hatulan o parusahan. Batid ng marami sa atin na ang ating pagdidisiplina ay mula sa pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mga anak. Nakakawiling isipin na itong pagmamahal din ng isang magulang ang nag-uudyok sa Diyos na disiplinahin tayo habang tayo ay nabubuhay.
Paano tayo dinidisiplina ng Diyos? Madalas, ito ay sa pagbigay ng mga konsikuwensiya kapag tayo ay nagkakamali, at pagkatapos ay pagsama sa atin habang hinaharap ang mga konsikuwensiyang iyon. Kapag natuto na tayo mula sa proseso, binibigyan Niya tayo ng mga bagong pagkakataon na sumunod, at tinutulungan tayong lumago sa mga pamamaraang hindi natin noong naisip na posible.
Mahalagang matunton natin na ang layunin Niya ay hindi ang talunin tayo. Sabi sa Roma 8: 1, "hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus." Bagkus, nais Niya tayong matuto mula sa pagdidisiplina, ituon ang mga mata sa Kanya, at magpatuloy! Napakadakilang halimbawa ng Perpektong Magulang!
Angkinin ang pagdidispilina ng Diyos bilang paghahayag ng Kanyang pagmamahal. Gamitin Siyang modelo sa pagdidisiplina ng inyong mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com