Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

IPAMUHAY ANG IYONG MGA SALITA
Maraming estilo ang mga Judio na eksperto sa batas upang mapaikot ang diwa ng batas at mabali ang mga sinumpaan na halos tuloy wala nang saysay ang mga pangako ng tao. Ngunit hinimok ni Jesus na mamuhay ang mga tao nang may mataas na integridad na sa gayon ay paniniwalaan sila kapag sila ay may sinabi.
Ang mga gawa natin ay dapat mas malakas kaysa ating mga salita. Ngunit kadalasan, kabaligtaran ang totoo. Kapag sinabi natin na may mga konsikuwensiya sa paglabag ng utos at bigo tayong gawin ito, ang mga anak natin ay maaaring magdududa sa katapatan ng ating mga salita. Dahil dito, maaari tayong gumamit ng mga panakot upang kumbinsihin ang ating mga anak na gagawin natin ang ating sinasabi: "Ito na ang huling beses na gigisingin kita" o, "Sa susunod, hindi ko na dadalhin ang gawaing-bahay mo sa eskuwela." Sa kasamaang palad, madalas nakikita ito ng mga anak na mga salitang wala ring saysay.
Bigyan ang inyong mga anak ng pakiramdam ng seguridad na ang inyong mga gawa ay alinsunod sa inyong mga salita.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com