Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PANANAMPALATAYA SA HINDI NAKIKITA
Tunay ngang hindi angkop sa pamantayan ng kanilang kultura si Noah. Bagama't siya'y napalilibutan ng kasamaan at paghihimagsik, pinili niyang sumunod sa Diyos. Marahil ay maraming katanungan ang mga kapitbahay ni Noah noong makita nilang gumagawa siya ng bangka na may 450 pye ang haba, at marahil ay kinastigo at tinanggihan pa siya. Ngunit dahil tapat siya sa Diyos, nakasumpong siya ng paglingap sa Panginoon at ang buong pamilya niya ay nailigtas mula sa pamumuksa ng baha.
Sa pagsunod sa Panginoon ngayon, nakikita natin minsan ang halaga nito, ngunit nakakalimutan nating kilalanin ang gantimpala. Ang maka-Diyos na pagmamagulang ay maaaring, sa ilang panahon ay magbunga ng pag-uusig o hindi pagtanggap ng mundo. Ito ang mga panahong dapat tayong manguna sa pamamagitan ng pananampalataya, sapagkat batid nating sa kalaunan ay magpapahayag ang Diyos. Ang tapat na pagsunod ni Noah ay dapat magbigay ng kaaliwan sa atin, at magpaalala sa atin na ginagantimpalaan ng Diyos ang mga taong masigasig sa paghahanap sa Kanya.
Ituon ang isipan ninyo sa paggawa ng mga pagpapasyang ginagawa ng mga magulang na sumusunod sa Diyos at batid na Kanyang gagantimpalaan ang mga taong tapat.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com