Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGBABAGO
Ang salitang Hebreo na ginamit dito para sa salitang "walang laman" ay nagpapahiwatig ng kalinisan. Kung wala kang mga baka, wala kang lilinisin gawa nila, ngunit hindi ka rin makikinabang sa kanilang lakas. Ayon sa kawikaang ito, radikal na pagbabago at pamumuhunan ang presyo ng paglago.
Nais ng Diyos na lumago tayo. Ang kaayusan at katatagan ay maaaring magbigay sa atin ng pansamantalang pakiramdam ng kontrol, subalit maaaring mahadlangan ng mga ito ang paglago natin. Ang pagbabago ay maaaring maging magulo at madalas dinadala tayo nito sa labas ng nakasanayan natin. Ngunit ang pag-iwas sa pagbabago ay maaaring humadlang mapasaatin ang "sagana ang anihan" ng personal na paglago.
Anong mga bahagi ng iyong pagmamagulang ang nangangailangan ng radikal na pagbabagong personal? Maaaring sobra-sobra ang ginagawa mo para sa iyong mga anak dahil gusto mo ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kontrol na ibinibigay nito sa iyo. Maaaring sinasagip mo sila mula sa mga konsikuwensiya ng mga maling pagpapasya dahil natatakot ka sa kabiguan at pagkakamali. O baka naman nakikipag-usap ka sa iyong mga anak sa pamamaraang walang hustong paggalang.
Manalangin para sa maliwanag na pagkaunawa at lakas ng loob upang simulan ang maka-Diyos na pagbabago.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com