Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGHAHASIK AT PAGGAPAS
Isang paraan upang matutunan ng ating mga anak ang katotohanang ito sa Biblia ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng disiplinang hindi pabago-bago. Kapag lagi nating isinasagawa ang kinakailangang konsikuwensya, natututunan ng mga bata na tunay ngang napakahalaga ng mga pagpiling kanilang ginagawa at ang mga ito ay makakaapekto sa uri ng kanilang buhay. Sa madaling salita, aanihin nila kung ano ang kanilang itinanim.
Walang duda, ang pagdidisiplina sa ating mga anak ay nangangailangan ng panahon at pagsisikap. Maaaring matukso tayong hindi na ibigay ang konsikuwensya dahil ito'y nakakaabala, pagod tayo, o nangangamba tayo sa reaksyon ng ating anak. Makakatulong kung magtutuon tayo ng pansin sa kabuuang larawan at ang layunin sa likod ng ating pagdidisiplina. Bagamat mahalagang matutunan na may epekto sa buhay dito sa mundo ang mga pagpiling ginagawa, mas mahalaga para sa ating mga anak na maunawaan na aanihin nila kung anong itinanim nila sa panghabambuhay kapag gagawa sila ng pagpapasyang tanggapin si Cristo.
Turuan ang inyong anak tungkol sa paghahasik at paggapas, at tulungan ninyo silang maghasik ng tunay na binhi.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com