Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 143 NG 280

SEGURIDAD

Bilang bunga ng kanilang pagsuway sa Diyos, ang mga Israelita ay nalupig ng mga taga-Babilonia. Habang nabubuhay na mga bihag, pakiramdam nila sila'y iniwan na ng Diyos. Noong nakaraan ipinakita Niya ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-akay sa kanilang mga ninuno palabas ng Egipto, ngunit nasaan na ang kapangyarihan ng Diyos ngayon? Inihatid ni Isaias ang mensahe ng pag-asang ito at muling itiniyak sa kanila na ang Diyos ay nasa proseso ng paggawa ng isang dakilang bagay.

Kapag may mga suliranin tayong pinagdaraanan sa ating paglalakbay bilang mga magulang, tulad ng mga Israelita, tayo ay maaaring makaramdam na nakalimutan na tayo ng Diyos. Kapag hindi natin nakikita ang pagbabagong kinasasabikan, nagtataka tayo kung makikita pa nating muli ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay. Anuman ang kalagayan mo ngayon, ang Diyos ay Siya pa ring makapangyarihan Diyos at hindi nagbabago. Bagama't hindi natin alam ang mga detalye ng Kanyang plano para sa ating mga buhay at sa mga buhay ng ating mga anak, magpakatatag sa kaalamang may kapangyarihan Siyang ayusing muli ang mga relasyon at gumawa ng mga "bukal sa disyerto".

Alalahanin ninyo ang katapatan ng Diyos noong nakaraan at pagtiwalaan ang Kanyang tiyempo at kapangyarihan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com