Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGKAKAKILANLAN KAY KRISTO
Ang kabataang lalaki ay umalis nang malungkot sapagkat hiningi ni Jesus na ipagpalit niya ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang mayamang lalaki at maging tagasunod ni Cristo. Batid ni Jesus ang halaga na kasama ng ganap na pagsuko sa Diyos. Ngunit alam din Niya na ito ang tanging daan upang matagpuan ang tunay na kalayaan at ang walang hanggang layunin dito sa mundo.Tulad ng mayamang lalaki, minsan ay natatagpuan natin ang ating mga sariling naghahabol sa pagpapatunay na mula sa mga makamundong pagkakakilanlan - ang may kakayahang negosyante, ang dalubhasang manlalaro, ang organisadong maybahay, maging ang tapat na Cristiano. Kapag tayo'y may mga anak na, ang pagiging magulang ng mga matatagumpay na anak ay madalas na idinadagdag sa listahan. Ngunit ang pagtutuon ng ating pansin sa mga layuning ito ay magdadala sa atin upang umasa tayo sa mga opinyon ng mga tao at hindi na gaano sa Diyos. Ang tagumpay o kabiguan sa mata ng mundo ay maaaring mag-iba nang ganoon na lamang kabilis. Nais ng Diyos na isuko natin ang lahat ito para sa lubos na pagtitiwala sa Kanya.
Ano ang iyong pagkakakilanlan?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com