Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 141 NG 280

ANG PAGSASABI NG 'HINDI'

Kung minsan, ang ating mga anak ay may hinihinging hindi makakabuti sa kanila. Nagsasabi tayo ng "hindi" dahil sa pagmamahal natin sa kanila kahit na paratangan nila tayo ng pagiging masama. Kaya nating harapin ang kanilang pagkabigo at galit sapagkat nakikita natin ang mas malaking larawan. Gayunman, ang ibang mga magulang ay matindi ang pagnanasang umiwas sa pakikipagsagupa na nagsasabi sila ng "oo" sa mga bagay na salungat sa nalalaman nilang tamang pagpapasya. Hindi nila kayang biguin ang kanilang mga anak o natatakot sila sa galit na reaksyon ng mga ito.

Ang pagiging magulang ay nagbibigay ng napakagandang bintana upang makita natin ang pagmamahal ng Diyos. Maaaring makaramdam tayo na pinarurusahan tayo ng Diyos kapag hindi Siya nagsasabi ng "oo" sa ating mga kahilingan sa ating pananalangin. Ngunit ilang beses ka na nanalangin para sa isang bagay na kalaunan ay mapapagtanto mong hindi naman pala para sa iyong ikabubuti? Hindi natin nauunawaan minsan na nananalangin tayo para sa "ahas", ngunit ganoon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya't sumasagot Siya ng "hindi".

Ipakita ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kalakasan upang magsabi ng "hindi" sa iyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com