Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 140 NG 280

MGA BANAYAD NA SALITA AT MATATAG NA PAGKILOS

Kapag may kinakaharap na mga paghamon ang atin mga anak o may nagagawa silang pagkakamali, maaari tayong tumugon sa pamamagitan ng pangungulit, pagpapaalala, o pagsesermon. Ngunit ang mga salita ay madalas na hindi nakapagbibigay ng ninanais na bunga at maaaring mauwi tayo sa pag-uulit sa sarili natin sa susunod na araw! Habang nadaragdagan ang mga kabiguan, ang lakas ng ating mga tinig ay nadaragdagan din at natatagpuan natin ang ating mga sariling nagbibitiw ng mga nakatutuya at nakapanliliit na pananalita.

Kapag ginagamit natin ang ating mga salita upang manghikayat, maaaring maghinanakit ang ating mga anak at hindi na makinig sa atin. Upang makuha natin ang kanilang atensyon, maaaring makapagsabi tayo ng mga bagay na pagsisisihan natin pagdating ng araw. Hindi man natin sinasadya, maaaring ang pahiwatig na kanilang makuha ay yaong sila'y walang kakayahan at hindi nila kayang ayusin ang sarili nilang mga responsibilidad.Kapag natatagpuan mong parami nang parami ang iyong sinasabi at ang iyong mga anak naman ay lalo pang hindi nakikinig, hayaang ang mga konsekuwensya ang siyang magturo sa kanila ng aral. Kapag nakalimutan ng anak mo ang kanyang pananghalian, hayaan mong ang kanyang gutom ang siyang mag-udyok sa kanya upang maalala na niya ito sa susunod. Kapag ang iyong anak ay walang paggalang, mahinahon at may pag-unawang pigilan ang kanyang mga pribilehiyo. Sa maniwala ka o hindi, ito ang mas mabisa at may paggalang na pamamaraan upang sanayin ang ating mga anak.

Hayaan mong maging mahinahon ang iyong mga salita at maging matatag ang pagbibigay mo ng konsekuwensya at pagmasdan mo ang paglago ng iyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com