Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 139 NG 280

PAGPAPALAWAK AT PAGPAPALIIT NG MGA HANGGANAN

Maraming magulang ang napipilitang bigyang daan ang kanilang mga anak sa paggamit ng telebisyon, mga video games, cell phones, at maging sa paggamit ng sasakyan bago pa sila magpakita ang mga responsableng pagkilos. Ngunit kapag pinapapanagot natin ang ating mga anak, matutulungan silang marating ang pagkamaygulang at maiwasan ang pag-isip na may karapatan sila. Ang taludtod na ito ay naghihikayat sa atin na hingin sa ating mga anak na maging tapat sila sa mga gawaing ibinigay sa kanila bago sila bigyan ng karagdagang pribilehiyo at kalayaan.

Sa pagbibigay natin ng mga responsibilidad sa ating mga anak, may mga magagawa silang pagkakamali. Ito ay bahagi ng kanilang proseso sa pagkatuto. Kapag ito'y nangyari, maaaring pansamantalang pigilan natin ang kanilang mga pribilehiyo. Halimbawa, ang isang batang may mabababang grado ay maaaring pigilan ang oras niya sa panonood ng telebisyon o paggamit ng kompyuter hanggang sa bumuti na ang kanyang grado. Ang pagbibigay ng mga makatwirang bunga ay makakatulong sa batang matuto mula sa kanyang mga pagkakamali at matutong magpasya nang mabuti sa hinaharap kapag ang kanyang mga pribilehiyo ay ibinalik na.

Kilalanin ang pagkakaiba ng mga kailangan at ng mga pribilehiyo at maluwag sa kalooban at may pagmamahal na papanagutin ang iyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com