Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KARUNUNGAN AT KAMANGMANGAN
Ang mga taludtod na ito ay tila magkakasalungat, ngunit pinupunto lang ng sumulat na marapat gumamit ng karunungan upang pillin kung kailan tutugon sa isang mangmang. Bawat magulang ay naranasan na ang kahangalan ng pangangatwiran sa isang pagod na dalawang-taong- gulang kapag kailangan nang umalis sa parke. Para kang nagbubuhos ng gasolina sa apoy! Katulad din nito, ang pakikipagtalo sa iyong anak na tinedyer kung tama bang limitahan ang panonood nila ng telebisyon hanggang mapabuti ang kanilang mga grado, ay mas malamang na makapagpapagalit sa kanila kaysa paniwalain sila sa iyong karunungan sa pagmamagulang. Kailangan ng pagpipigil sa sarili upang hindi mabitag sa nakakaupos na pakikipagtalo na magbababa sa iyo sa antas ng "mangmang".
Kung minsan naman, kailangang tumugon sa mga kaisipan na dala ng kakulangan sa gulang. Kung sabihin sa iyo ng limang-taong-gulang mong anak na paliliguan niya ang pusa o pag sinabi sa iyo ng anak mong tinedyer na tama ang pakikipagtalik bago magpakasal, ang hindi pagsagot ay maaaring magbigay sa kanila ng mensaheng sang-ayon ka sa ganoong mga gawa.
Batid ni Jesus kung kailan Siya tutugon sa mga taong nasa paligid Niya (Mateo 26:62-64). Tularan ninyo ang Kanyang halimbawa sa pagpapasiya kung ang pagtugon ay nararapat.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com