Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 137 NG 280

PANSARILING RESPONSIBILIDAD

Bilang mga magulang, ang ating kasalanan ay may epekto sa ating mga anak, ngunit mahalagang tandaan na ang ating mga kasalanan ay hindi magdadala ng kahatulan sa ating mga anak. Purihin ang Diyos! Ang taludtod na ito ay nagpapakita kung paanong, sa katapus-tapusan, tayo'y mananagot sa Diyos para sa ating mga pagkilos. Ang ating mga anak ay mananagot sa kanilang kasalanan, hindi sa kasalanan natin. Mananagot tayo sa kasalanan natin, hindi sa mga kasalanan ng ating mga anak.

Nasasaktan ka ba dahil sinisisi mo ang sarili mo dahil sa kasalanan ng iyong anak? Aminin mo ang iyong bahagi sa Diyos at sa iyong mga anak at humingi ka ng kapatawaran, ngunit tandaan mo, anuman ang mga pagkakamaling ginawa mo bilang magulang, ang bawat isa ay tinatawag sa kanyang pansariling pananagutan. Ang espiritwal na halimbawa na itinatakda ng mga magulang, mabuti man o masama, ay hindi nagpapalaya sa iyong anak sa kanyang pangangailangan sa isang personal na pakikipag-ugnayan kay Cristo o sa pagkakaroon ng pananagutan para sa kanilang pagpili.

Magkaroon ka ng kapahingahan sa katotohanang ang Diyos ay mapagmahal, mapagpatawad, at makatuwiran at unawaing mas malaki Siya sa iyong mga kamalian.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com